Back to Main
To Overseas Start Page
The Online Magazine for Sustainable Seas
June, 1999 Vol. 2 No. 6
 

Address to the Conference of
Coastal Municipalities of the Philippines
Mayor Jinggoy Ejercito-Estrada,
Municipality of San Juan
President, League of Municipality of the Philippines




 

 

 

 

   

Magandang umaga at welcome po sa lahat ng mga punong-bayan at mga bisita na dumalo sa pagpupulong ng mga costal municipalities. Nagagalak ako dahil nakikita kong malaot madali'y lilinaw ang malabong tubig kung saan ang isyu tungkol sa karagatan at yamang-likas ay mabibigyan ng kaukulang pansin.

Ang inyong aktibong pakikilahok sa mga usapan hinggil sa ating nasasaklaw na mga karagatan ang magbubukas ng pinto sa paghanap ng mga solusyon. Alam nating lahat na sa pagdaraan ng panahon ay unti-unting nababawasan ang ating isda na siyang dahilan upang ang presyo nito'y di na kaya ng ordinaryong pamilya.

Pero bago ang lahat, payagan muna ninyo akong magbigay ng isang brief report tungkol sa ating mga programa at initiatives sa League of Municipalities sa halos siyam na buwan pa lamang simula noong ako'y inyong binigyan ng masigabong mandato noong nakaraang Agosto.

Ako'y natutuwa na sa tulong ninyong lahat at ng ating mga international funding partners, marami na tayong nakamit sa loob ng maikiing panahon. Siyempre, nangunguna riyan ang ating LMP-DPWH Cost-Sharing Program kung saan ibinigay ni Pangulong Estrada ang Pl.54 billion counterpart fund para sa ating infrastructure program.

Ang unang 100 municipalities ay makakatanggap na ng kanilang Pl million allocation each sa linggong ito. Kayat there's a need to complete all the requirements of the DPWH para mapabilis ang pag-release ng pondo ng pamahalaan para sa programang ito na nagpapakita sa unang pagkakataon ng pagkalinga ng national government para sa ating mga Local Government Units.

Sa susunod na linggo, inaasahang ipapalabas na rin ng Department of Budget and Management ang unang PSO million na allocation out of the P300 million earmarked by the Department of Agriculture para sa ating microagribusiness enterprise program kasama ang National Agri-Business Corporation.

Nagkaroon na tayo ng 30 percent increase sa ating Internal Revenue Allotment nitong buwan ng Mayo at sa pamamagitan ng Oversight Committee on Devolution iminungkahi nating ibalik sa dating political boundary ang land area survey ng mga munisipyo na naapektuhan ng bagong cadastro upang madagdagan ang kanilang mga IRA share.

Mayroon din tayong Pl million anti-domestic violence program para sa fifth and sixth class municipalities in partnership with the Department of Social Welfare and Development; municipal library program in partnership with the Philippine Association of Publishers Inc. at National Library; ang continuing OPPCSO-LMP ambulance and PNP-LMP patrol car rationalization program; at kahit sa larangan ng palakasan sa pamamagitan ng ating grassroots sports development program; ang 'Palaro ng Bayan" that we are launching on June 19 sa kaarawan ng ating national hero, Dr. 3ose Rizal.

Next week, we will sign a Memorandum of Agreement with Sun-oTELECOM, Inc. to provide a digital network that will promote high-impact economic development through the access of a new and additional information that will address the basic needs of the people in our municipality.

We are also working for the resumption of our Donated Vehicle Program para naman magkaroon ng sasakyan ang ating mga masisipag na alkaide sa kanilang pagganap sa kanilang tungkulin.

Mapalad po ang bansang Pilipinas dahil napapalibutan tayo ng tubig na hitik na hitik sa yamang-likas. Tawag natin ditoy marine resources. Ngunit masyadong critical na ang ating problema sa ating karagatan, lalo na sa ating municipal waters. Sabi nga ng ating mga dalubhasa, noong nakaraang dalawampung taon lang sobra sa limang kilo ang huli ng isang mangingisda. Ngunit ngayon, suwerte na kung makahuli ng dalawa o isang kilo sa isang araw na pagpupuyat at pagpapawis.

Panahon na para kumilos tayo mga kasama kong punong bayan at mga katulong natin sa problemang ito. Una, inimungkahi kong suportahan natin ang panukala ni Pangulong Estrada na itatag ang Department of Fisheries upang mabigyan pansin at prioridad ang problema natin sa karagatan. Humigitkumulang sa halagang P140 billion ng yamang dagat ang ating natatamasa taontaon ngunit wala tayong pondong inilaan para sa mga problemang kinakaharap nito.

Pangalawa, I am proposing that you tackle in this conference the popular clamor to include the coastline of your municipalities in the computation of the Internal Revenue Allotment para magkaroon tayo ng pondo na magagamit para sa ating mga coastal management program.

Pangatlo at panghuli, hinihikayat ko kayong lahat na lumagda sa isang covenant para gumawa ng ating commitment para sa mga resolutions na ating maipapasa rito sa ating kumperensiya in order to pursue an aggressive and coordinated approach to the problems facing our coastal waters and marine resources.

Hanggang dito na lang at maraming salamat, mabuhay kayong lahat. More power to the League!




  

            To Over Seas Start Page
Back To Main

This website was made possible through support provided by the USAID under the terms of Contract No. AID 492-0444-C-00-6028-00. The opinions expressed herein are those of the authors and do not necessarily reflect the views of USAID. Articles may be quoted or reproduced in any form for non-commercial, non-profit purposes to advance the cause of marine environmental management and conservation as long as proper reference is made to the source.